| ♣ 큰 꿈을 펼치며 더불어 살아가는 어린이 육성 ♣ Mababang Paaralan ng Jeonju Bukil Sulat Pangkomunikasyon sa mga Tahanan ng Mag-aaral | 학교급식 식생활관 245-8507 | | Impormasyon Patungkol sa Proyekto ng Pagbibigay Suporta ng Produktong Agrikultural Para sa mga Mag-aaral | |
April 24, 2020 Pagbati sa inyong tahanan! Nawa ay nasa mabuting kalusugan ang inyong pamilya. Dahil sa pagtagal ng epidemyang COVID-19, nabuksan ang klaseng pang-online. At dahil dito, naantala na rin ang pagbibigay ng mga pagkain sa mga paaralan. At isa pang karagdagan, ang mga lokal na magsasaka ay nagsimula naring magkaroon ng paghihirap sa kanilang alternatibong mga pagbenta ng kanilang produkto. Upang matulungan ang ating lokal na mga magsasaka, nais naming gamitin ang kanilang mga produkto upang magbigay ng pagkain sa mga mag-aaral na natututo sa kanilang mga tahanan pa pamamagitan ng klaseng pang-online. Kung kaya’t, isinasagawa ang proyektong "Pagbibigay Suporta ng Produktong Agrikultural Para sa Mga Tahanan ng mga Mag-aaral". At upang kami ay makapagbigay ng LIBRENG SUPORTA ng mga produktong agrikultural sa ating mga mag-aaral, kinakailangan ang pahintulot ng magulang (batay sa Batas ng Personal na Proteksyon ng Impormasyon). Mangyaring tumugon sa pamamagitan ng [School Text-Google Link] hanggang Abril 27, 2020 (Lunes). Tandaan: (1) Ang hindi pagsang-ayon sa pagbibigay ng personal na impormasyon ay nangangahulugan ng hindi paghiling ng mga produktong agrikultural. Mga Produktong agrikultural na ibibigay: (Bigas na “eco-friendly” at mga produktong agrikultural mula sa Donae-san, atbp.), 1 package para sa bawat mag-aaral, (ang presyo ng mga produkto ay umaabot sa 32,000 won) (2) Ang libreng suporta at komposisyon ng produkto ay maaaring magbago depende sa supply at demand ng mga produktong agrikultural. Tagatustos: Jeonju Food Integration Support Center (☎ 063-214-8280, 010-6394-3556) Paraan at panahon ng paghahatid ng nasabing suporta: Post office o Han Jin Delivery, mula Mayo 2020 Punong Guro, Mababang Paaralan ng Jeonju Bukil
| 1.Pangalan ng programa: Proyekto ng Pagbibigay ng Produktong Agrikultural Para sa mga Mag-aaral 2.Layunin ng pagkolekta, paggamit, at pagbibigay ng personal na impormasyon: Para sa pagbibigay ng suporta ng produktong agrikultural para sa mga tahanan ng mga mag-aaral 3.Mga ikokolektang personal na impormasyon: pangalan ng mag-aaral, grado, klase, address, at numero ng telepono ng magulang 4.Organisasyon na tatanggap ang inyong mga personal na impormasyon: Opisina ng Edukasyon ng Jeonju, Opisinang Pang-lungsod ng Jeonju, Jeonju Food Integration Support Center, Post Office, Han Jin Delivery 5.Panahon ng paggamit ng personal na impormasyon: Hanggang sa katapusan ng proyekto . 6.May karapatan kayong tumanggi sa koleksyon at paggamit ng personal na impormasyon. 7.May karapatan kayong tumanggi sa pagbibigay ng personal na impormasyon sa mga ikatlong partido. Tandaan: Ang hindi pagsang-ayon sa koleksyon, paggamit, at pagbibigay ng personal na impormasyon ay nangangahulugan ng hindi pagtanggap ng produktong agrikultural. Sumasang-ayon ba kayo sa koleksyon, paggamit at pagbibigay ng personal na impormasyon na may kaugnayan sa mga nasa itaas? Pumili ng isa at i-check. 〔 〕Sumasang-ayon ako. 〔 〕Hindi ako sang-ayon. ※ Para sa mga mag-aaral na wala pang 14 taong gulang, ang pahintulot mula sa tagapag-alaga (kinatawang legal) ay kinakailangan.. ※ Ang pagpili ng isa sa mga sagot tungkol sa pagkolekta ng mga personal na impormasyon ay papalit sa pirma. Mababang Paaralan ng Jeonju Bukill |
|